Beneath the Darkness

Ever been so down? Felt the whole world would collapse around you and yet it didn't. It kept on hanging on balance that you'd wish it would just fall on you and end it once and for all. But still, it didn't. 'Til you realize it wouldn't fall and you have to live under that rumble and chaos. Just like meeting death and yet you are well awake and living through it. Then you realize it makes you stronger, emotionally disturbed, maybe. spiritually challenged, a bit, mentally ill, no, just refined thinking. And yes, it makes you stand above those who never knew death. Dead And yet well Awake...

Thursday, September 10, 2009

MisadVentures of Inday (Time to Laugh)

Nahihirapan na si Dodong

Nov 6th, 2007 by Inday

Nahihirapan na si Dodong sa pagka-high maintenance ni Inday kaya’t naisipan nyang kausapin ito habang nagde-date sila.

Dodong: Babes, you know naman na love kita diba? Pero, nahihirapan na ako eh…

Inday: What do you mean? Are you emotionally distressed? or something neurological? Is it your heart? Palpitations? Or arrythmia perhaps? Tell me…

Dodong: Babes, ba’t naman napasok math dito? What I mean is… hindi na kaya ng budget ko tuwing lumalabas tayo. Mahal ng IMAX tickets, yung pagStaStarbucks natin…pati yung pagpapa-spa or kung tinopak ka naman eat all you can sa ShangriLa Hotel ang gusto mong merienda. 5 months na akong naka-cash advance babes eh. Tinigil ko na nga ang pagmamagic (The Gathering) ko and binenta ko na rin character ko sa Ragnarok pero kulang pa rin eh. Hirap talaga.

Inday: (natahimik si Inday), are you saying that… we’ll hang out at McCafe for coffee instead? Dodong, why can’t you understand my life? I have an image to protect. You can’t expect us to go back to hanging out at the park, consuming dirty ice cream while riding in a sidecar. That has to change…

Dodong: I see… ok, papahinto ko na lang siguro muna yung 2 pamangkin na pinapaaral ko tutal ayaw na raw nila sa Don Bosco eh.

Inday: Great! Tell you what, let me make it up to you. On our next date I’ll prepare a sumptuous meal for you provided that you do the grocery ok?

Dodong: Ok. Ganun na lang siguro. Thanks babes! *mwah*

Flash Report
Sep 27th, 2007 by admin

FLASH REPORT: Inday is alive she’s not yet dead. SOCO found out that, the impostora of Inday was killed. Ederlyn (Inday’s neighbor) was the mastermind.
SOCO: Bakit mo siya pinapatay?
Ederlyn: Kasi inagaw niya sa akin si Dodong!
Inday: Mythomaniac! He was never yours.
Ederlyn: Dong, di ba mahal mo din ako?
Dodong: I never…. said… that I loved you.

Chef Tony’s Popcorn

Dec 15th, 2008 by manager

Isang hapon habang nagkwekwentuhan at nagmemerienda ang barkada sa may sari sari store ay napadaan ang maglalako.

Maglalako: Hooppp…. Hopppp…. Hopppiamanipop… (napatigil ito sa nakitang pinapapak nila Inday)

Dodong: Sarap pala nito Inday, daig pa yung nabibiling popcorn sa tabi tabi.

Maglalako: Wow ang sosyal niyo naman, Chef Tony’s popcorn.

Inday: Of course, would you like some? (alok sa maglalako)

Biglang napadaan din ang pulubi at nakihingi na rin.

Pulubi: Care to offer me some of those too Inday?

Inday: Sure help yourself!

Maglalako: (matapos makakain ng ilang popcorn) … May joke ako. Ano ang last name ni Chef Tony?

Napaisip ang mga tao…

Ederlyn: Ferrer? Chef Tony Ferrer?

Pulubi: DaTiger? Chef Tony DaTiger?

Maglalako: Nope.. nope… sirit na?

Ethan: O sige sirit na kami.

Maglalako: Ede Alarcon! Hahahaha.

Inday: Chef Tony Alarcon? (mukhang di na-gets ni Inday)

Pacquiao vs De La Hoya match

Dec 7th, 2008 by manager

Sama-samang nanonood ng laban nila Pacquiao at De La Hoya ang pamilya Montemayor sa 50″ Plasma TV. Kasama ring nanonood si Inday.

Junior: Wow ate Inday buti magkaibigan kayo ni Pacman. Napakabitan tuloy tayo ng Pay-per-view ng libre!

Tuwang tuwa ang pamilya at nakakanood sila ng laban ng Live. Nagsigawan sila sa tuwing nakaka-connect si Pacman sa kanyang mga suntok. Nainis sila nung inipit ni De La Hoya ang braso ni Pacquiao upang makalibre ng suntok. At nagpalakpakan at naghiyawan nang sumuko na si De La Hoya sa simula ng 9th round.

Pagkatapos ng post-game announcements and interview…

Inday: Ok ok, fight’s over! I would like to rest now so kindly exit my room.

Mr. and Mrs.: Sige na nga, salamat ulit Inday at nakanood kami sa TV mo.

Junior: Thank you ate Inday!

Inday: You’re all welcome.

Kinagabihan, narinig ni sir na may kausap si Inday sa telepono.

Inday: … your interview. We should converse more so that you’d be more comfortable answering those questions in English… Yeah… Ok… You too… Congrats again! Take care! (sabay baba ng phone)

Sir: Si ano ba yun… si..?

Inday: Yeah it’s Manny calling from his hotel asking if I saw his fight.

BLAG! Hinimatay si sir.

Ang Pulubi ulit

Feb 25th, 2008 by Inday

Isang hapon, dumaan na naman ang pulubi sa kanila Inday. Kumakatok ito sa gate at nanghihingi ng makakain.

Amo: Inday, bigay mo nga ang tirang pandesal dun sa pulubi sa gate.

Inday: Yes madam!

Pumunta si Inday sa gate at inabot sa pulubi ang pandesal. Nanonood lang ang amo nya sa may pinto.

Inday: Here! Off you go!

Tinanggap ng pulubi ang tinapay…

Pulubi: Uhh thanks but uhh, maybe you have some bruschetta lying around also that you can give me.

Nagulat ang amo ni Inday sa narinig na request ng pulubi.

Inday: No! Besides, it is not proper for mendicants to be indicatrous of preferences.

Dumugo ilong ng amo sa narinig na sagot ni Inday.

Pulubi: Ok. (malungkot na pagkasabi)

May kinuhang garapon na may lamang likodo ang pulubi sa kanyang lumang Crumpler na bag. Binuksan nya ito at sinawsaw ang pandesal sa likido at kinain.

Nakita ng amo ni Inday ang ginawa ng pulubi at na curious…

Amo: Inday, anong ginagawa nya sa tinapay?

Inday: It seems that he’s dipping it in olive oil.

Pulubi: No, it’s extra virgin olive oil.

Hinimatay ang amo.

Ang Pulubi take 2

Jan 10th, 2008 by manager

AMO: Inday, may pulubi sa gate paalisin mo nga..

INDAY: Right away!

INDAY to BEGGAR: Hey you putrid-smelling beggar with the diverse ambiance of scented junk that assails everybody’s nostrils and poisons everyone’s fresh and carbon free lungs, please go away now!

BEGGAR: What?! Who do you think you are you pathetic trying hard nanny! How could you, a social climber and a very low grade mammal, underestimate a high-class beggar like me?! The hell with you!

INDAY: Nakakasakit ka na ah! Ma’am o ayaw umalis!

- Hmmm, ba’t parang laging talo si Inday sa pulubi? Baka noon pa ito nangyari nung di pa sya ganung kagaling sa mga comebacks. - manager

Fruit Salad

Dec 26th, 2007 by manager

May handaan sa Montemayor household para sa kanilang noche buena. Kasama ang kanilang mga kamag-anak na galing abroad.

Nasa kusina si Junior at si ma’am na tilang may ginagawang putahe.

Junior: Every Christmas si nanay ang laging bida ng noche buena.

Napa-smile ang nanay ni Junior sa sinabi nya…

Junior: Lagi naming hinihintay ang fruit salad nya. It’s really the best kaya…

Napahinto si Junior nang may narinig silang nag-uusap usap sa hapag-kainan.

Bisita #1: Wow ang sarap nitong fruit salad ah. Kakaiba!

Bisita #2: Oo nga eh, there are too many different tastes but they’re not competing with each other. Who did this?

Mr. Montemayor: Ahh gawa ni Inday yan, yung maid namin na magaling sa kusina. Inday anong klaseng fruit salad ba ito?

Inday: Oh I decided to try something different from the usual fare of madam. It’s still fruit salad but with lemon verbena. There are strawberries, mangoes, blueberries, raspberries, a bit of orange-flavored liquer and chopped lemon verbena. It’s really quite a treat for the tongue that’s used to the old and unoriginal fruit cocktail served with all-purpose cream.

BLAG! May narinig silang nagdabog sa kusina at sinundan ng pagkabasag ng pinggan.

Christmas Carol

Dec 25th, 2007 by Inday

Dumalaw ang iba pang mga kamag-anak ng Montemayor family sa kanila upang mag-celebrate ng Christmas Party. Nag-pasiklaban ang mga batang pinsan ni Junior para makatanggap ng pera. May kumanta, nag-piano, sumayaw ng Papaya, nag pluta…

Syempre di papatalo si Ma’am…

Amo: Ok Junior, sing for us naman. Show mo yung Christmas Carol na tinuturo sa’yo ni Inday. Diba matagal mo nang pinapractice yun? Let’s hear it naman ‘nak.

Mahiyang pumwesto si Junior sa harapan nila…

Amo: We’re so busy with the Christmas shopping kaya wala kaming time na turuan si Junior ng mga Christmas Carols. Buti na lang andito si Inday, our maid, para maturuan sya. (paliwanag ni Ma’am sa mga bisita)

At kumanta na nga si Junior…

“Ecstasy towards the celestial sphere, let the planet receive its sovereign!!
Let every blood pumping organ, organize him accommodation,
Let Nirvana and physical world utter harmonious sounds!!! (2x)
Let nirvana, nirvana and the physical world utter harmonious sounds…”

Napatunganga na lang ang mga bisita pati na rin sina ma’am. May isang nasamid sa Sprite. Meron ding nag-nosebleed. Di ata nila kinaya ang version ni Inday ng “Joy to the World”.

Potluck

Dec 28th, 2008 by manager

Dumalaw ang pamilya Montemayor sa kanilang kumare at kumpare na kapitbahay para mag-celebrate ng post-Christmas lunch. Potluck ang usapan kaya nagbaon ng pagkain ang pamilya.

Pagbukas ng pinto ay sinalubong sila ni kumare.

Kumare: Amiga!! you’re just in time halos kumpleto na ang pagkain natin. May pansit, lechon, hipon… ano ba yang dinala mo?

Mrs.: Kumare eto o Maja Blanca for dessert!

Kumare: Uyyy dessert… sinong gumawa?

Mrs: Ako syempre, kagabi lang yan!

Kumare: Ahh ganun ba? (parang na-dismaya)

Tinawag ang maid nila.

Kumare: Ederlyn!!

Ederlyn: Ano po yun ati?

Kumare: Kunin mo itong Maja Blanca at ilagay mo dun sa mesa sa tabi kasama ng fruit salad.

Ederlyn: Opo ati. (kinuha ang Maja Blanca at umalis)

Kumare: Baka meron ka pang tinatagong iba dyan mare?

Mrs.: Ha… baket? Kulang ba yung handa?

Umentra si Inday na nasa likod nila Mr. and Mrs. Montemayor at may dalang pagkain na nakalagay sa loob ng stainless steel na container.

Kumare: Ohhhh kasama niyo pala si Inday. (mukhang natuwa)

Kumare: Inday ano yang dala mo?

Inday: Oh just something I concocted earlier before we went here just in case the feast today lacks oomph.

Nilapag ni Inday sa mesa ang dala at binuksan.

Inday: Nothing special, just salt-roasted potatoes sprinkled with Gross El, a coarse grey salt that is quite popular in France. It’s tasty yet not overpowering which is what a side dish should be.

Kumare: (nanlake ang mga mata) OOhhh…. perfect!! Pwede!! (tuwang tuwa)

Kumare: Ederlyn!! Pakilagay itong dala ni Inday sa gitna ng mesa katabi ng lechon. Ayusin mo rin yung food lamp ng lechon ha para mailawan din ito.

Mrs. (mukhang nalugi at siniko si Mister) Sabi sayo wag na naten isama si Inday eh! Kahit ako na lang ang magbantay kay Junior.

Hope you guys had a satisfying Christmas meal!

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin