sorry for the repost, but having it so long seems to bore the reader instead of making them laugh. So Im giving it by parts. So enjoy. Relax. Carpe Deim.
Mag-o-outing ang barkada
Apr 24th, 2008 by Inday
Habang nagwawalis sa harap ng bakuran si Inday, ay napadaan si Ethan sa kanyang tricycle.
Ethan: Hi Inday. Tuloy ba yung outing naten sa Pagudpud?
Inday: Hey Ethan. I’m not sure, who’s planning anyway? Do the others already know?
Habang nag-gugupit ng mga damo si Dodong at narinig nya ang kanilang usapan.
Dodong: Mga pre, game ako dyan. Ilang araw ba tayo doon?
Inday: Well, the most suitable would be at least 2 nights but it depends on how long you guys are allowed for a furlough.
Ethan: Teka sasama ba si Manang? Hehehe, baka matangay ng alon yun.
Narinig ni Manang galing sa loob ng bakuran habang sya’y naglalaba. Huminto ito at lumapit sa kanila.
Manang: Hoi!! If you must know, I was a varsity swimmer when I was in high school so don’t underestimate my aquatic capabilities (banat nya kay Ethan). And of course, you can count me in.
Dodong: Teka si Ederlyn, text ko lang. (Ei sma b u outng pgdpud? Ksma laht)
Ethan: Wag!!! Wag na naten isama si Ederlyn, natandaan mo last time? Nag-inarte. Tapos di pa tumutulong sa paghahanda ng pagkain o kahit paglinis lang ng kinainan.
Inday: Yeah, let’s not bring any dead weight this time.
Manang: I agree!
Dodong: Ngek na text ko na!
Tumunog ang cellphone ni Dodong, galing kay Ederlyn ang message… “K! Sli aku!! May bago rn akung bikni“.
Nag-text kaagad si Dodong… “Sry wrng send“.
Dodong: Whew!
Inday: Well, let’s just discuss this over our Yahoo Groups. I have to go prepare our supper.
Ethan: Okay! Sa Yahoo Groups na lang.
Sa di kalayuan ay naririnig pala ng pulubi ang kanilang diskusyon at lumapit ito sa kanila.
Pulubi: Can I join your outing too guys? Pa-add na lang e-mail ko on your Yahoo Groups. It’s babangonako@duduruginkita.com
Painful experiences
Mar 1st, 2008 by Inday
Isang hapon ay nagkwekwentuhan ang magbarkada sa may isawan sa kanto habang nag-memerienda.
Ederlyn: Eto, I have a question para sa inyo ga. Ano ang pinakamasakit na experience ang naranasan na ninyu?
Napaisip ang iba.
Dodong: Siguro sa akin ay yung pagpili sa isang babae pero parehong mahal mo ang dalawa. Para talagang nahahati ang puso ko. (sabay kagat sa isaw)
Ederlyn: Ay yung sa akin yung binuhos mo ang pagmamahal mo sa isang lalaki pero kulang pa rin at iniwan ka. (sabay lagok sa softdrink)
Ethan: Wala pa ko masyadong experience pagdating sa sa pagmamahal eh. Siguro masakit na sa’ken yung binati mo ng good morning pero di ka pinansin. Hehehe. (sabay kagat sa bananacue)
Inday: I guess mine would be not showing my affection to someone and by the time that I realize that he’s the one I love, he’s slowly pulling away. (sabay subo sa baon nyang blanched green and white asparagus with lemon thyme and Parmesan vinaigrette)
Pulubi: Sa akin naman yung bihis na bihis ka na pero di ka pala kasama sa lakad. Sakit nun. Hirap kaya ako maghanap ng maisusuot tapos di rin pala ako kasama. Tsk. (hihingi pa sa kinakain ni Inday)
Napatingin na lang sila Inday sa pulubing nakiki-merienda.
Pesteng caller
Sep 6th, 2008 by manager
Isang hapon, habang nagpapahinga si Mrs. Montemayor sa sala at nanonood ng TV na tila parang bored ay biglang nag-ring ang phone. Dali-dalian nya itong sinagot…
Mrs. Montemayor: Hello?
Caller: Hello, may I please speak to Ms. Inocencia Binayubay?
Mrs. Montemayor: Sino kamo?
Caller: Ahh Inocencia Binayubay, is she there?
Mrs. Montemayor: Inoce… walang ganun dito… ay teka.. (naisip nyang bigla si Inday).
Mrs. Montemayor: Ahh si Inday… teka lang! (halatang may pagkainis dahil may tumatawag sa kanilang katulong).
Sumigaw sya sa kusina para tawagin si Inday.
Mrs. Montemayor: INDAY!!!!!!!! Telepon! Wag matagal ha!
Tumigil saglit si Inday sa pag-gagawa ng blueberry muffins para sagutin ang phone.
Inday: Hello?
Caller: Inocencia Binayubay?
Inday: Speaking… ahh hold on.
Sumigaw si Inday sa sala…
Inday: You can hang up now madam! I’m on the cordless!
Binaba ni Mrs. Montemayor ang telepono at napaisip sa sarili, “Aba pinagsabihan pa ako. The nerve!” Hinayaan nya na lang at nagpatuloy sa panonood ng TV.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig nya si Inday na tinataasan na ng boses ang kausap. Pagkatapos ay lumabas sa kusina si Inday at pumunta sa sala para magpahangin sa tapat electric fan. Tila mainit ang ulo.
Na-curious si Misis.
Mrs. Montemayor: Oh sino ba yun? Inglisera mong nanay na nanghihingi na naman ng pera?
Inday: Not at all. It’s those pesky credit card telemarketers offering me a new credit line that I certainly don’t require anymore. I don’t care about their 0% credit transfers, double reward points, loans and all those things. Why can’t they take no for an answer?
Di makasagot si Mrs. Montemayor at natulala.
Napaisip na lang sya sa sarili, “Buti pa si Inday, inoofferan ng credit card… samantalang ako, ATM card lang ang meron ako… ba’t ganun ang buhay?”.
Inday: Madam, are you okay?
Siomai
Jul 19th, 2008 by manager
Habang nagmemerienda ang magbabarkada sa may sari-sari store, nabanggit ni Ethan na hindi na lang sya bibili ng pedicab.
Ethan: Guys, di na lang ako magpepedicab. Inday, mahal pala yung mga piyesa na ni-recommend mo… yung iba di raw available dito sa pinas.
Inday: Awww, sorry to hear that Ethan. So what do you intend to do with your assets now?
Ethan: Di ko pa alam eh… food business kaya?
Dodong: Pwede yan pards. Food stall lang. Yung di malaki at di gumagamit ng gas. (sabay kagat sa bananacue)
Ethan: Hmm pwede. Anong klase kaya? Donut? Fruit shake?
Manang: Dimsum na lang iho. Pwedeng ulamin ng mga tao, di kailangan ng gas at dalawang tao lang ang kailangang magbantay. Maliit ng pwesto pa ang kailangan. (sabay subo ng pandesal na isinawsaw sa kape)
Ederlyn: Oo nga Ethan. May naisip na akong pangalan para sa siopawan at syomayan mo. Code Name: Asado! Hahahaha. O diba? Napapanahon. (habang patuloy ngumunguya ng Chippy)
Dodong: Corny. (sabay bato ng stick ng bananacue kay Ederlyn)
Inday: Pathetic.
Ethan: Pero ok nga talaga yung dimsum lang para di mahirap. Wag na siguro yung mga siopao pa. siomai at gulaman lang.
Inday: I agree You just have to get a good location and I would suggest a spot where it could easily cater to call-center employees. Why? Their break time is really limited so they need to consume their food quick and this is where your dimsum comes in. And if you operate 24 hours daily, you’ll rack up those sales in no time. All you need now is a catchy name.
Ethan: Hmm… ano kaya magandang pangalan?
Biglang sumingit ang pulubing nakikinig at naghahakot ng mga boteng itinapon
Pulubi: Ipangalan mong Master Siomai - Walang Tulugan! O diba? Open 24 hours a day kamo eh.
Ethan, Dodong, Ederlyn, Manang: PWEDE!!!
Inday: I don’t get it.
Beneath the Darkness
Ever been so down? Felt the whole world would collapse around you and yet it didn't. It kept on hanging on balance that you'd wish it would just fall on you and end it once and for all. But still, it didn't. 'Til you realize it wouldn't fall and you have to live under that rumble and chaos. Just like meeting death and yet you are well awake and living through it.
Then you realize it makes you stronger, emotionally disturbed, maybe. spiritually challenged, a bit, mentally ill, no, just refined thinking. And yes, it makes you stand above those who never knew death.
Dead And yet well Awake...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment